Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Panukalang batas para mas mapaghandaan ng LGU’s ang kalamidad, inihain sa Kongreso

$
0
0

FILE PHOTO: Ang naging pagbahang dala ni Bagyong Maring sa mga residenteng ito sa Makati City noong Agosto 20, 2013. (PRINCE  MARQUEZ / Photoville International)

MANILA, Philippines – Sa gitna ng isinasagawang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan lalo na sa tatamaan nang paparating na Bagyong Ruby, nanawagan si Valenzuela Representative Sherwin Gatchalain na bigyan ng prayoridad ang inihain niyang House Bill No. 5097.

Ang panukalang batas na ito ay magpapalawak ng opsyon ng mga local government unit sa paggamit ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF).

Aamyendahan nito ang kasalukuyang Philippines Risk Reduction and Management Act na isama na sa pondo ng LGU ang rehabilitasyon sa mga naapektuhang lugar ng kalamidad.

Sa umiiral na batas, magagamit ang LDRRMF sa pagbili ng mga rescue equipment, supplies at mga gamot.

Sinabi ni Congressman Gatchalian, layon ng pag-amyenda sa kasalukuyang batas na kaagad na makapagsasagawa ng reconstruction, repair at rehabilitasyon sa mga nasirang imprastraktura dulot ng natural calamities.

Idinagdag pa ng kongresista kung naamyendahan noon pa ang batas nagkaroon na sana kaagad ng pondo ang mga LGU na naapektuhan ng Bagyong Yolanda.

Sa ngayon, ang panukalang batas ay nakabinbin pa sa House Committee on National Defense and Security. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481