UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/17/14) – Makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Mindanao dahil sa epekto ng trough o extension ng isang Low Pressure Area na nasa bahagi ng Sabah, Malaysia.
Ayon sa forecast ng PAGASA, apektado ng Tail-end of a cold front ang Central at Southern Luzon kaya’t makararanas ng light to moderate rains ang Metro Manila, Rizal, Aurora at Quezon gayon din sa Samar at Leyte area.
Dahil naman sa Amihan ay makararanas ng mahinang pag-ulan ang Cordillera, Cagayan Valley, Ilocos at iba pang lugar ng Central Luzon.
Sa iba pang lugar sa bansa ay makararanas din ng papulo-pulong pag-ulan at thunderstorms.
Matataas ang mga pagalon sa Northern at Central Luzon kaya’t pinapayuhan ng weather agency ang mga may sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.14am
SUNSET – 5.30pm