Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Seniang, Nananalasa sa Visayas at Mindanao

$
0
0

Track of Tropical Storm “SENIANG” (PAGASA)

UNTV GEOWEATHER CENTER (5pm, 12/29/14) – Nagpabaha sa ilang lugar sa Mindanao ang Bagyong Seniang.

Kaninang 4pm ay namataan ng PAGASA ang bagyo sa 140 km East Southeast Tagbilaran City, Bohol.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65kph at pagbugso na aabot sa 80 kph.

Kumikilos ito ng West Northwest sa bilis na 11 kph.Nakataas ang signal # 2 sa Bohol, Siquijor, Southern Cebu, Negros Oriental, Southern part ng Negros Occidental. Surigao del Norte, Siargao Island, Agusan del norte, Misamis Oriental, Camiguin, Dinagat Province.

Signal # 1 naman sa Leyte, Southern Leyte, Camotes Island, Rest of Cebu, Rest of Negros Occidental, Guimaras, Southern part of Iloilo, southern part of Antique. Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Agusan del Sur.

Mapanganib na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Hilaga at Gitnang Luzon, Silangang baybayin ng southern Luzon, mga baybayin ng Visayas at sa Hilaga at Silangang baybayin ng Mindanao. (REY PELAYO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481