Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

13 anyos na batang babae sa Caloocan, tinamaan ng ligaw na bala sa ulo

$
0
0

Si Ginang Evelyn Suan, tiyahin ng biktima na nagpaunlak habang nagbibigay ng pahayag sa media ukol sa kanyang pamangkin na si Maybelle Juanitas na biktima ng ligaw na bala. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Kasalukuyang naka-confine at sumasailalim sa operasyon sa East Avenue Medical Center ang 13 taong gulang na si Maybelle Juanitas matapos tamaan ng ligaw na bala sa ulo.

Ayon sa tiyahin ng biktima na si Evelyn Suan, nasa labas ng kanilang bahay ang bata kasama ang kanyang mga kaibigan nang bigla na lamang itong bumagsak.

Nagawa pa umanong makatayo at makapasok ng bahay ang bata ngunit nakaramdam na ito ng pagkahilo at pagsusuka.

Agad namang isinugod sa ospital ng Tala ang biktima kagabi ng alas-11, at inilipat sa East Avenue Medical Center ala-7 ng umaga ngayong Huwebes upang ma-CT scan.

Halos maiyak naman ang tiyahin ng biktima dahil sa galit lalo pa’t nagbabakasyon lamang ang pamangkin nito sa kanilang lugar sa Brgy. San Jose, Tala sa Caloocan upang magdiwang ng bagong taon.

“Galit talaga ako sa nagpaputok ng baril, sana makonsensya naman siya at lumabas na, kasi walang alam yung bata eh,” saad ni Evelyn, tiyahin ng biktima.

Nananawagan din ang mga kaanak ni Maybelle na mahuli ang mga may sala at matigil na ang pagpapaputok ng baril.

Samantala, sa ulat ng Department of Health, mula sa 11 kaso ng stray bullets noong 2013 ay bumaba ito ngayong 2014 sa apat na kaso.

Ayon kay Acting Health Secretary Janette Garin, malaki ang naitulong ng kampanya ng Philippine National Police at DILG. (Earl Camillo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481