MANILA, Philippines — Available na simula ngayong araw ng Lunes – Enero 05, sa mga motorista ang bagong license plates para mapalitan ang mga lumang plaka sa ilalim ng plate standardization program.
Ayon kay DOTCH Secretary Emilio “Jun” Abaya, napapanahon nang i-phase out ang mga lumang plaka at gamitin ang security feature-packed license plates.
Maaari nila itong makuha kapag nag-renew ng vehicle registration ngayong taon.
Ang nasabing plate standardization program ay sinimulan noong 2014 at inaasahang matatapos hanggang 2017.
Naniniwala ang mga otoridad na sa pamamagitan nito ay mareresolba ang problema sa tanggal plaka at plate switching na kalimitang ginagawa ng mga kriminal. (UNTV News)