Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

NBP Penal Supt. Catalino Malinao, tinanggal sa serbisyo

$
0
0

FILE PHOTO: New Bilibid Prison (UNTV News)

MANILA, Philippines – Inalis sa tungkulin ng Department of Justice (DOJ) si New Bilibid Prison (NBP) Assistant Superintendent for Reformation and Administration Catalino Malinao.

Kaugnay ito ng umano’y grave misconduct and conduct prejudicial to the best of interest of service dahil sa pakikialam nito sa mga opisyal na operasyon ng Security and Patrol Unit (SPU) ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nag-ugat ang kaso sa pagpapasok at pagpapagamit ni Malinao ng mga ipinagbabawal na gamit sa selda ng nagngangalang David Allen Uy noong July 2014.

Kabilang sa mga kagamitan ang isang laptop, isang DVD writer, isang external memory, mga cable wire at isang USB.

Base sa investigation report ng DOJ, kinuwestyon ni Malinao ang search and rescue operations na isinagawa ng mga SPU personnel.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, walang legal personality si Malinao upang kwestyunin ang search operations.

Dahil sa pagka-dismiss, sinabi ni De Lima na makakansela ang retirement benefits ni Malinao at hindi na rin ito maaring makapagtrabaho sa alinmang government-owned corporations.

Hindi na rin maaring makakuha ng civil service examination ang respondent.

Gayunpaman, maaari pa ring makuha ni Malinao ang kanyang accrued leave credits, alinsunod sa batas at mga regulasyon. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481