Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

P-Noy, binuweltahan ang mga bumabatikos sa taas-pasahe ng MRT at LRT

$
0
0

MANILA, Philippines – Inulan ng kabi-kabilang batikos ang ginawang pagtaas sa pasahe ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa MRT at LRT sa unang linggo ng 2015.

Kaliwa’t kanang protesta ang isinagawa sa kalsada, habang apat na petisyon ang hinain sa Korte Suprema upang kuwestyunin ito.

Ilang senador rin ang nagpahayag ng kanilang opinyon ukol sa isyu.

Ayon kay Senador Sergio Osmeña III, vice-chairman ng Senate Committee on Public Services, hindi naging transparent ang ginawang pagtataas sa pasahe.

Aniya, “Very questionable sapagkat hindi transparent po. Sana sinabi na nila in advance. Number 1, sana nag-conduct sila ng hearing. The senate would have been willing to help the public in obtaining information in order that the DOTC would be able to justify the fare hike.”

Sinabi naman ni Senador BongBong Marcos na wala sa tiyempo ang pagpapatupad ng nasabing fare hike.

“Siguro naman maliwanag na ang timing is wrong… “I don’t know who decided this but it was very-very poor decision.”

Una nang nagpayahag ng batikos sina Senators, Grace Poe, Jinggoy Estrada, Alan Peter Cayetano at Nancy Binay sa taas-pasahe sa mga mass transit system.

Sagot naman ni Pangulong Benigno Aquino III sa isyu, makatwiran lamang ang taas-pasahe, at sa isang nakikinabang ay dapat pa aniyang dagdagan ang kanilang ibinibayad.

Ipinaliwanag rin ng pangulo na sa kabila ng fare hike ay magbibigay pa rin ng subsidiya ang pamahalaan.

Tinawag rin ng pangulo na pagpapa-cute lamang ang ginagawa ng mga kritiko dahil puro ingay lamang ang ginagawa ng mga ito at wala namang naitutulong.

Una nang sinabi ni Sen. JV Ejercito na maghahain siya ng resolusyon sa pagbabalik-sesyon ng senado upang mapag-usapan ang isyu.

Ayon naman kay Senador Osmeña, ipauubaya na nito kay Senador Grace Poe ang pagpapatawag ng pagdinig ukol sa MRT at LRT fare hike. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481