Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ex-Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, kinasuhan ng plunder sa Ombudsman

$
0
0

FILE PHOTO: Ex-Makati Vice Mayor Ernesto Mercado (UNTV News)

MANILA, Philippines – Isang concerned citizen ang naghain sa Ombudsman ng reklamong plunder laban kay dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado kaugnay ng mahigit P80 million na umano’y natanggap nitong suhol sa pagpapagawa ng Makati City parking building II.

Ayon sa complainant na si Louis Biraogo, dapat panagutan ni Mercado ang partisipasyon nito sa maanomalyang kontruksyon ng parking building, kahit naging bahagi siya sa paglalantad ng ilegal na konstruksyon ng naturang parking building.

Base sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub-committee noong Agosto 26 at Setyembre 11, inamin ni Mercado na nabigyan siya ng P80 million sa proyekto.

Sinabi ni Biraogo na sa kabila nito ay walang naglakas-loob na magsampa ng reklamo laban kay Mercado. Ayon kay Biraogo, isa lamang siyang pribadong indibidwal subalit may karapatan siyang ireklamo ang mga opisyal ng gobyerno na umano’y nangamkam ng pera ng bayan.

“As a tax payer, ako po ay naniningil ng serbisyo sa lahat ng ating nanunungkulan sa ating gobyerno,” saad nito.

“May nakikita akong mali. May nagsabi na nagnakaw siya walang gumagalaw para iyang kamalian na iyan ay matuwid,” dagdag pa ni Biraogo.

Ito ang kauna-unahang reklamong inihain sa Office of the Ombudsman laban sa dating bise alkade.

Si Mercado ay nanungkulan bilang bise alkade ng Makati City mula 2001 hanggang 2010 sa termino bilang mayor ni Vice President Jejomar Binay. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481