Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Brillantes, handang sumailalim sa pagdinig ng CA kaugnay ng inihaing petisyon ng AES Watch

$
0
0
FILE PHOTO: COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. (WILLIE SY / Photoville International)

FILE PHOTO: COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. (WILLIE SY / Photoville International)

MANILA, Philippines – Nakahanda si Comelec Chairman Sixto Brilliantes Jr. na sumailalim sa pagdinig ng Court of Appeals (CA) ukol sa petisyon ng Automated Election System Watch (AES Watch) na dapat pigilan ng korte ang Comelec sa pag-eespiya gamit ang kanilang intelligence fund

Ito’y matapos ipag-utos ng Supreme Court na dalhin sa CA ang petition for writ of habeas data ng AES Watch laban sa COMELEC.

Sinabi ni Brillantes na handa nyang sagutin at gumawa ng affidavit na wala silang ginagastos na kahit magkano upang titktikan ang mga miyembro at operasyon ng naturang election watchdog.

“I can state under-oath and I can state under whatever oath they like that I’m not spending a single cent on my intelligence fund to any reference to AES Watch or to any individual in AES.”

Dagdag pa ni Brillantes, handa nyang buksan ang rekord ng intelligence fund subalit ito ay para sa korte lamang.

“Pwede ko ipakita sa court pero hindi nila makikita, kasi marami pang iba pang nakalagay dun na hindi nila dapat makita. Mawawalan na lahat ng confidentiality. Anybody who feels na ako sinu-surveilance ng military e di ilabas na military. Ang lalaki ng intel fund nyan,” dagdag pa ni Brillantes.

Bukod sa Comelec, idinawit rin sa reklamo sina Presidential Spokesperson Abigail Valte at Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. matapos kumpirmahin sa publiko ang pag-apruba ng Office of the President sa nasabing intel fund.

Ayon sa AES Watch, labag ang ginawa ng Malakanyang dahil maituturing itong mis-alignment of public funds. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481