Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mahigit 1.7 ektaryang pananim na gulay sa Atok, Benguet, nasira dahil sa matinding lamig

$
0
0

Isa sa mga magsasaka sa Atok, Benguet na lubhang apektado ng malamig na panahon. (UNTV News)

BENGUET, Philippines – Tinatayang aabot sa 1.78 ektaryang taniman ng patatas at pechay ang naapektuhan ng matinding lamig na nararanasan ngayon sa buong probinsya ng Benguet.

Ayon kay Cheery Sano, municipal agriculturist, tatlumpu’t tatlong mga magsasaka na sa bayan ng Atok ang nasira ang mga tanim na patatas at pechay na ilang linggo na lamang ay aanihin na.

Ang bayan ng Atok ay may layong 45 kilometro mula sa Baguio City proper at gugugol ng kulang dalawang oras na land travel upang marating ito.

Pangalawa ito sa pinakamataas na lugar sa Benguet at umaabot sa 8 degrees celcius ang pinakamalamig na temperatura dito.

Dahil sa pagbagsak ng temperatura, karamihan sa mga gulay dito ay natutuyo ang dahon at kapag matindi na ang lamig ay maaari pang mabalot ng yelo ang mga ito.

ecember 29 pa lamang ng nakaraang taon ang magsimulang mabalot ng yelo ang ilang tanim na gulay ng mga magsasaka sa lugar.

Tinatayang nagkakahalaga ng P115,000 ang mga nasirang pananim na patatas at pechay.

Ayon sa municipal agriculturist, posibleng tumagal pa hanggang buwan ng Pebrero ang masamang epekto ng matinding lamig sa mga pananim. (Grace Doctolero / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481