Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

AFP, maglulunsad na ng massive operations upang mabawi ang 3 pulis na bihag ng NPA sa Surigao Del Norte

$
0
0

FILE PHOTO: Philippine Army at post in Maguindanao province (Photoville International)

MANILA, Philippines – Maglulunsad na ng massive operations ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang i-rescue ang tatlong pulis na binihag ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Surigao Del Norte noong Nobyembre 2014.

Kabilang sa mga binihag na pulis sina PO1 Democrito Bondoc Polvorosa, PO1 Marichel Unclara Contemplo, at PO1 Junrie Amper.

Sa isang panayam, sinabi ni Eastern Mindanao Command (EastMinCom) APO Chief Maj. Ezra Balagtey na idinadahilan ng NPA ang pananatili ng mga sundalo sa Surigao Del Norte noong kasagsagan ng ceasefire kaya hindi nila pinakakawalan ang tatlong pulis.

Subalit giit ng AFP, ang deployment ng mga sundalo sa panahon ng unilateral ceasefire ay bahagi lamang ng defensive operations ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Mismong mga residente rin sa Surigao Del Norte ang nakikiusap sa mga sundalong manatili sa kanilang lugar upang matiyak ang kanilang seguridad.

“Ipagpapatuloy natin ang combat operations at pagclear ng area,” saad pa ni Balagtey.

Tiniyak naman ng EastMinCom na ang operasyon ng militar ay hindi magdudulot ng panganib sa mga bihag at mga mahal nito sa buhay.

Dagdag pa ng AFP, kung talagang seryoso ang NPA na isulong ang usaping pangkapayapaan sa pamahalaan, pakakawalan nila ang mga bihag ng walang hinihinging kapalit. (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481