Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Makati Mayor Junjun Binay at limang iba pa, ipinaaaresto na ng Senado

$
0
0

Ang pinaaaresto ng Senate Blue Ribbon Committee na kinabibilangan ni Makati Mayor Junjun Binay kasama ng 5 iba pa na isinasangkot sa anomalya sa Makati City Hall Parking II Building. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Ipinaaaresto na si Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay at limang iba pa dahil sa hindi nito pagsipot sa ipinatawag na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub committee kaugnay ng umano’y anomalya sa Makati City parking II building.

Bukod kay Binay, kabilang sa ipinaaaresto ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Teofisto “TG” Guingona III sina Atty. Eleno Mendoza, Ms. Eduviges Ebeng Baloloy, Marjorie De Veyra, Engineer Line Dela Peña, at Bernadette Portollano.

Kabilang din sa ipinaaaresto ng komite si Professor Tomas Lopez na sumulat sa komite at nangakong dadalo sa Huwebes.

Ilalagay sa detention facility ng senado ang mga nabanggit na personalidad kapag naaresto na.

Ang sub-committee naman ang magrerekomenda kung kailan palalabasin ng Senate detention facility si Binay at iba pa.

Batay sa rules ng komite, dalawang boto lang ang kinakailangan upang pagtibayin ang contempt.

Nilinaw ni Guingona na sinomang ipinapatawag sa pagdinig ng senado ay dapat humarap batay sa kanilang patakaran. (Bryan de Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481