Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DILG sinigurong may mananagot sa pagkamatay ng mga SAF members sa Maguindanao

$
0
0

Mula sa Kagawarang ng Interyror at Pamahalaang Lokal

Mananagot ang mga opisyal na dapat ay responsible sa operasyong ginawa ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) sa Mamasapano, Maguindanao, noong araw ng Linggo.

Ito ang paniniyak ni Kalihim Mar Roxas bilang garantiya na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 44 na operatiba ng SAF sa Maguindanao. Kasunod nito ang pahayag ng komposisyon ng Board of Inquiry na naatasang magsiyasat sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng SAF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

“Kabahagi ito ng policy and procedure ng PNP [na] ang layunin nito ay alamin kung ano ang nangyari dito sa encounter na ito, sa clash na ito kung saan 44 ang SAF na namatay,” pahayag ni Roxas.

Ayon sa kalihim makikita sa gagawing Board of Inquiry kung ano talaga ang nangyari, kung nagkaroon ng lapses sa tactical level at matukoy din ang areas of improvement mula sa doctrinal, tactical at preparation point of view upang masiguro na hindi mauulit ang insidente sa mga darating na operasyon ng PNP.

“Kung meron mang lapses, kung meron mang dapat managot, papanagutin natin,” dagdag ng kalihim.

Si PNP officer-in-charge Police Deputy Director General Leonardo Espina ang mamumuno sa binuong Board of Inquiry na kabibilangan nina Police Director Edgardo Ingking, Police Director Benjamin Magalong, at Police Director Catalino Rodriguez.

Sinabi ni Roxas na kinikilala ng pamunuan ng PNP at maging ng pamahalaan ang pagsisikap ng SAF na mahuli ang high value targets ng mga ito na kabilang sa most wanted list hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging internationally. Kinilala ang high value targets na ito na sina Zulkigli Bin Hir o mas kilala sa tawag na Marwan at Basit Usman na umanoy miyembro naman ng Jemaah Islamiyah.

Ayon pa sa kalihim, nasa proseso na ng pagberipika kung si Marwan nga ang sinasabing napatay ng mga SAF sa engkuwentro dahil hindi nakuha ang bangkay nito subalit nakunan naman ng mga litrato.

Mananatili muna sa Camp Crame si Police Director Getulio Napenas, hepe ng SAF hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon ng BOI.

dilg.gov.ph


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481