Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Miss Tourism Philippines, susuportahan ng DOT

$
0
0

Miss Tourism Philippines 2015 press conference (UNTV News)

MANILA, Philippines – Dahil sa pangunguna ng mga Pilipino bilang pageant lover sa buong mundo, sunod-sunod na ang pagkakaroon ng local franchise ng mga international beauty pageant sa bansa katulad ng Miss World na inumpisahan noong 2011 at Miss Global noong nakaraang taon.

Ngayon taon naman ay magsasagawa na rin ng lokal na pambansang kompetisyon ang Miss Tourism World.

Lubos na ikinatuwa ng isa sa organizer nito na si Mrs. Universe-Philippines 2014 Hemelyn Escudero-Tamayo na bukod tanging may basbas at suporta ng Department of Tourism (DOT) kaugnay ng kanilang kampanyang “Visit Philippines 2015.”

“Nakita nila na this pageant is a good way promoting the tourism of the Philippines. Lalong mag-boom ang ating tourism industry. Maganda itong way para ma-discover pa yung mga ibang places sa Philippines.”

Matinding excitement naman ang nararamdaman ngayon ng kasalukuyang Miss Tourism Philippines na si Cindy Maduma sa kanyang magiging aktibidad sa naturang patimpalak kagandahan.

Si Cindy ay personal na pinili lamang upang kumatawan noong nakaraang taon ng local franchise owner at director na si Gareth Blanco ng A1 Icon Production, Inc.

“Ang dami ring tourism-related competitions in our country but to know that this competition was supported by the Department of Tourism, wow! Kailangan po before natin ma-experience yung ganda ng ibang bansa dapat po dito sa atin i-appreciate natin kung anong meron sa atin,” anang beauty queen.

Ang Miss Tourism Philippines ay magkakaroon ng iba’t ibang screening venue sa buong bansa na sinimulan na noong nakaraang buwan.

Dalawa sa bawat rehiyon ng bansa ang bubuo ng bilang ng magiging pinal na kandidata na magtatagisan ng kagandahan at talino sa July 25, 2015 sa Philippine International Convention Center (PICC). (Adjes Carreon,UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481