Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sen. Trillanes, nakahandang maging boses ng AFP upang iparating sa Pangulo ang sentimento ng mga sundalo

$
0
0

Sen. Antonio Trillanes IV (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na may mga lumalapit sa kanya mula sa Armed Forces of the Philippines at nagpaparating ng mga hinaing sa administrasyong Aquino.

Pahayag ni Sen. Trillanes, “Gagawin natin lahat ng ating makakaya para matapos na yan. In terms doon sa potential destabilization in the future, I can be a conduit. I can be a voice doon sa Armed Forces para maparating nila yung hinaing nila kay Presidente.”

Sa kabila nito wala namang nakikitang dahilan si Senador Trillanes upang alisin sa pwesto si Pangulong Aquino.

Katwiran ng Senador, tama ang naging desisyon ni Aquino lalot napatay ang Malaysian Jemaah Islamiyah terrorist na si Zulkifli Bin Hir o alias Marwan.

Bukod dito, sinabi ni Trillanes hindi dahilan ang isyu ng hindi pagsipot ng Pangulo sa arrival honors ng mga nasawing PNP-SAF commandos at speech nito upang alisin na sya sa pwesto.

“Tatanggalin mo itong presidenteng may shortcomings, may mga character flaws, may mga lapses pero his heart is in the right place — I believe so, and hindi siya magnanakaw. So, bakit ko sya tatanggalin?”

Sa kabila nito, naniniwala si Trillanes na kung masyadong papaboran ang MILF posibleng lalong bumaba ang moral ng ilan.

Pahabol ng senador, “Pero nga later on, kung parang napapaboran yung MILF, parang bine-baby, it will not taken lightly by a SAF personnel and by the Armed Forces… Pero nga, ang pwedeng mag-negate niyang mga positive attributes na yan ay yung pag-trato sa MILF at sa Bangsamoro Basic Law. Iyon yung nakakalap nating impormasyon.” (BRYAN DE PAZ / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481