Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNoy Ipinaliwanag ang Papel sa Mamasapano Operation

$
0
0

FILE PHOTO: President Benigno Aquino III (Malacanang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Mahigit tatlong oras na kinausap ni Pangulong Benigno Aquino III ang house leaders kasama ang mga kongresistang dating opisyal na sundalo at pulis o ang mga miyembro ng Saturday Group.

Sa pagpupulong, ipinaliwanag ng Pangulo sa mga mambabatas ang kanyang papel sa operasyon ng PNP-SAF sa paghuli sa teroristang si Marwan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, ipinakita sa kanila ng Pangulo sa isang PowerPoint presentation ang ilan sa naging palitan ng text massage ng Pangulo at ni resigned PNP chief Gen. Alan Purisima na una nang siniwalat sa hearing ng senado nitong Lunes.

Nilinaw ng mga mambabatas na hindi humingi ng anumang pabor ang Pangulo sa nasabing pulong at nais lamang ng Pangulo na malaman ng mga mambabatas ang kabuoang nangyari.

Napag-usapan rin sa pulong kahapon sa Malakanyang ang proposed Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr.,sinabi sa naturang meeting ng chairman ng Ad Hoc Committee on the Bangsamoro na si Congressman Rufus Rodriguez sa Pangulo na posibleng sa pagri-resume ng kamara sa May 4 ay nasa plenaryo na ang panukalang BBL.

Pahayag pa ng kalihim, nauunawaan nila ang naging saloobin ng mga mambabatas sa Mamasapano incident at ipinaliwanag rin naman ng Pangulo ang kaniyang posisyon dito.

“Nauunawaan natin yung ipinahayag din nilang saloobin at saloobin ng kanilang mga constituents na kailangang tugunan yung mga tanong hinggil sa Mamasapano. Kailangang mapawi ang agam-agam. Kailangang tukuyin ang mga lumikha ng ligalig,” ani Coloma.

Muli ring tiniyak ng Malakanyang na nananatili ang commitment ng Pangulo na malaman ang buong katotohanan sa Mamasapano clash.  (Grace Casin / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481