SAMAR, Philippines — Nais ni French President Francois Hollande na makita ang kalagayan ng mga residente sa Guiuan, Eastern Samar na lubhang naapektuhan ng Bagyong Yolanda.
Pahayag ni Pres. Francois Hollande, “In the name of France, I come here to help you, support you in the most painful moments. With Mayor Gonzalez, I signed today an agreement. The France cannot do everything alone. France have special duty to more because we will be holding the Climate Change Conference this December. In this occasion, what I’ve seen here will shed light in what we will be doing in Paris.”
Pagdating nitong alas-onse ng umaga ay agad itong tumungo sa LGU office ng Guiuan para sa isang maikling pagpupulong sa mga lokal na opisyal ng Eastern Samar.
Sa pagpupulong lumagda ang Local Government Unit ng Guian sa pangunguna ni Mayor Sheen Christopher Gonzales ng pledge of support sa adbokasiya ng France patungkol sa climate change.
Pinuntahan rin ng French entourage ang terminal ng Guiuan para sa maikling interaction naman sa mga fisher folks association.
Ayon sa Guiuan Fisherfolks Federation president, isa sa dahilan kung bakit kakausapin sila ng presidente ay upang alamin kung ano ang maaring maitulong sa kanila ng French government.
Nag-iikot rin ang entourage sa Palengke at sa iba pang public structures upang obserbahan ang isinasagawang rehabilitasyon pati na ang mga naging improvement sa lugar.
Nagbigay rin ng talumpati si Hollande sa Guiuan East Central School upang turuan ang mga kabataan kung papaano lalabanan ang umiiral na problema sa climate change.
Pahayag naman ng kinatawan ng mga kabataan sa Guiuan na si lixia Althea Aranas, “We, the youth of Guiuan, ask you to please create an agreement on climate change that will save our future. We have experienced how bad climate change can impact our families when super typhoon Haiyan happened and we need the world to take action so that events like that will not be our new normal.”
Matapos ang pagbisita sa paaralan, pasado ala-una ng hapon ay agad na umalis patungong maynila si Hollande. (JENNELYN GAQUIT / UNTV News)