Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DOJ Justice Boosters, pasok sa quarterfinals ng UNTV Cup 3

$
0
0

Sinupalpal ni Paul Reguera ng DOJ Justice Boosters si Bobsky Panican ng MMDA bilang bahagi ng pagpigil sa Black Wolves na makapasok sa quarterfinals. (Madz Milana / Photoville International)

MANILA, Philippines – Nakagawa ng bagong record sa UNTV Cup ang DOJ matapos makapasok sa quarterfinals ng season 3 matapos pataubin ang MMDA Blackwolves, 86-75, sa Ynares Sports Arena nitong Linggo.

Binuhat ni DOJ process server Rico Escalante ang Justice Boosters sa kanyang 18 pts., 4 rebs. at 2 assts performance.

Ang DOJ na hindi nanalo ng kahit isang laro sa unang dalawang seasons ng UNTV Cup ay nakatatlong panalo sa pagtatapos ng elimination round at sa unang pagkakataon ay aabante sa quarter final round.

“This season very special sa amin ito, 1st win 1st second round ngayon quarter finals I hope every thing will be first,” ani Jerome Tadeo, Coach ng DOJ Justice Boosters.

Samantala, nalusutan ng AFP Cavaliers ang PNP Responders, 68-63, kung saan nagsilbing bayani si Sergeant Alvin Zuniga na may 13 pts. at 2 rebs.

“Na-secure namin ang win team, defense ang naging key kung bakit kami nanalo,” saad ni Zuniga.

Sa pagtatapos ng UNTV Cup season 3 elimination round, nakuha ng Malacanang Patriots ang over all no.1 spot at automatic na pasok sa semifinals sa bisa ng 7 wins at 1 loss card.

Number 2 ang Judiciary Magis at isa pang slot sa final 4 sa record na 6 wins 2 loss slate. 3rd ang Senate Defenders na may anim na panalo sa sa walong laro. Pang-apat ang AFP Cavaliers na may 5-3 record.

Number 5 ang PNP Responders bitbit ang 5-3 slate.

Number 6 ang DOJ Justice Boosters na may tatlong panalo sa walong laro. Eliminated na ang MMDA Blackwolves at BFP Firefighters.

Sa susunod na linggo magsisismula na ang quarterfinals kung saan makakaharap ng Team Senate ang Team DOJ. May twice to beat advantage ang Defenders.

Magtatapat naman sa isa pang quarterfinals pairing ang AFP at PNP kung saan may twice to beat edge ang Cavaliers. (JP Ramirez / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481