Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pilipinas, nagsumite ng supplemental memorial sa UN tribunal kaugnay ng West Philippine Sea dispute

$
0
0

Department of Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose (UNTV News)

MANILA, Philippines – Naisumite na ng Pilipinas nitong Lunes ang written supplemental memorial sa United Nations Arbitral Tribunal sa The Hague, Netherlands kaugnay ng maritime dispute ng bansa at ng China sa West Philippine Sea.

kabilang rito ang tatlong libong pahinang dokumento, mga mapa at charts, na magpapatibay sa claims ng bansa sa West Philippine Sea.

Marso 2014n nang isumite ng Pilipinas ang apat na libong pahinang memorial, na layong ipawalang-bisa ang nine-dash line claim ng China, kung saan sakop rito ang malaking bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose, ang pagsusumite ng supplemental memorial ay bunsod ng pahayag ng China na hindi ito maghahain ng counter-memorial at hindi rin ito magkikipag-cooperate sa proceedings ng kaso.

Sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), maaaring ituloy ang proceedings kahit hindi dumalo rito ang isang partido.

Binibigyan ng arbitral tribunal ang China ng hanggang Hunyo 16, 2015 upang magsumite ng kanilang kasagutan sa supplemental memorial ng Pilipinas.

Nakatakda namang isagawa ang oral hearings sa kaso mula Hulyo 8 hanggang 20.

Inaasahang mailalabas sa unang bahagi ng 2016 ang ruling ng The Netherlands-based arbitral tribunal sa inihaing memorial ng Pilipinas laban sa China. (Bianca Dava / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481