UNTV GEOWEATHER CENTER (03/29/15) – Isa nang Typhoon ang bagyong “Maysak” (international name) na taglay ang lakas ng hangin na 130kph at pagbugso na aabot sa 160kph.
Sa advisory ng PAGASA, kaninang 10am ay namataan ito sa 2,810km sa Silangan ng Mindanao.
Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20kph.
Sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Sa Miyerkules ay inaasahan itong papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at papangalanan itong “Chedeng”.