Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong “Maysak”, lalo pang lumakas habang papalapit sa PAR

$
0
0

PAGASA-DOST IMAGE ISSUED AT: 11:00 AM, 30 March 2015

UNTV GEOWEATHER CENTER (03/30/15) – Sa Miyerkules inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Maysak” (international name).

Kaninang 2am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 2,400km sa Silangan ng Mindanao na taglay ang lakas ng hangin na 140kph at pagbugso na aabot sa 170kph.

Kumikilos ito ng West Northwest sa bilis na 20kph.

Sa ngayon ay wala paring direktang epekto ito sa bansa subalit ang Amihan ay nakakaapekto pa rin sa Extreme Northern Luzon.

Sa pagtaya ng weather agency, makararanas ng mga pag-ambon ang Batanes habang sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon kasama ang Visayas at Mindanao ay makararanas naman ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pag-kulog.

Tatawaging “Chedeng” ang bagyo sa oras na pumasok sa PAR at sa forecast ng PAGASA posibleng tumama ito sa Northern Luzon. (Rey Pelayo /UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481