MANILA, Philippines — Bandang alas onse ng umaga nitong Miyerkules nang dumating sa Batangas Port si Pangulong Noynoy Aquino upang mag-inspeksyon sa loob at labas ng terminal.
Kasama ng Pangulo si DOTC Sec. Abaya at mga opisyal ng Port of Batangas.
Kabilang sa ininspeksyon ng Pangulo, ang loob ng terminal 1 at dumaan sa X-Ray machine. Kanyang nakita ang maraming pasaherong naka-standy sa loob. Agad naman siyang nagtungo sa isang motorized banca upang inspeksyunin ang loob nito, at mga pasilidad, pati ang life vest ay kanyang iniispeksyon din.
Na-impres naman ang Pangulo ang barkong fastcat na maayos ang pasilidad, at kumpleto ng gamit, na ito ang ibig nya na mangyari sa lahat ng barko sa Batangas Port at mga bus terminal.
Ayon sa Pangulo, wala naman siyang nakitang dapat i-improve sa Batangas Port, maliban na lang sa life vest na luma at hindi standard.
Ilang minuto lang ang itinagal ng Pangulo sa pantalan.
Sunod na binisita ni Pangulong Aquino ang Ninoy Aquino International Airport.
Dagsa pa rin ang mga kababayan natin dito sa NAIA Terminal na uuwi sa kani kanilang mga probinsya.
Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Jose Angel Honrado nagkaroon na ng improvement ngayon ang NAIA Terminal 3 partikular na ang nagiging proseso ng airlines.
Kung saan nagdagdag na ng manpower upang matugunan ang pagdagsa ng mga tao at tinitiyak palagi na may nakaantabay sa mga counter upang maiwasan ang mahabang pila.
Ngayong umaga ayon kay Honrado, kaunti lamang ang naitalang delayed flights.
Huling pinuntahan ng Pangulo ang isang bus terminal dito sa Kamuning, Quezon City.
Dito ininspeksyon ng Pangulo ang ilang bus na may nakakabit na global positioning system o GPS.
Kinamusta rin ni Pangulong Aquino ang mga pasahero ng bus. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)