Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2015 Balikatan Exercises, walang kinalaman sa mga itinatayong istruktura ng China sa West PHL Sea — AFP

$
0
0

FILE PHOTO: US Marines and Philippine Marines maneuver during a “Small Boat Raid Training” as part of the CARAT 2012 exercises. (Photoville International)

MANILA, Philippines — Libu-libong sundalo mula sa Armed Forces of the Philippines at US Army ang kalahok sa Balikatan Exercises na magsisimula sa April 20 hanggang 30.

Isasagawa ito sa iba’t-ibang lugar sa bansa kabilang na ang Zambales, na ilang nautical miles lamang ang layo sa West Philippine Sea.

Mas pinalawak pa ang Balikatan Exercises ngayong taon na nataon naman sa reclamation at pagtatayo ng China ng mga istruktura sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Ngunit ayon sa AFP, walang kinalaman ang Balikatan Exercises ngayong taon sa aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

“Wala namang direct relationship doon sa ongoing structures, yung sa nirereklamo ng ating bansa. Wala po iyon doon dahil nanatili posisyon ng ating bansa doon sa peaceful resolution ng territorial disputes,” ani AFP Spokesperson Lt. Colonel Harold Cabunoc.

Aabot sa limang libong at dalawampu’t tatlong sundalong Pilipino at 6,656 namang US Army ang kalahok sa Balikatan Exercises na tatagal ng sampung araw.

Gagamit ang AFP ng labing limang aircrafts at isang barko, ang US ay 76 na aircraft at 3 barko.

Ayon sa AFP, ito ang unang pagkakataon na 76 na aircraft ang ipapadala ng bansang Amerika sa Balikatan exercises.

“Yung pagtaas sa bilang ng mga participants sa Balikatan Exercises, ito’y nagpapakita sa tumaas din ang level ng commitment natin para matulungan ang ating bansa, yung pagtutulungan ng bawat bansa, mga participants upang mai-prove ang ating capabilities sa military-to-military engagements maging sa non-military activities,” dagdag pa ng tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Isa ang Zambales sa mga pagdaraosan ng military war games. Malapit ito sa Scarborough shoal. Isa sa mga pinag-aagawang isla sa West PHL Sea.

Ngunit itinanggi ng AFP na may kinalaman ito sa issue ng agawan sa teritoryo ng bansa at China.

“Napili siguro nila kasi mas angkop yung lugar. Mas angkop yung lugar tapos nandoon yung may tropa tayo na nandoon naka-base. Nandoon sila mismo ibinigay sa kanila sa Western Philippine command yung responsibilidad to supervise,” paliwanag ni Cabunoc.

Sa Camp Aguinaldo, isasagawa ang opening ceremony ng ika-31 Balikatan Exercises sa April 20, 2015. (Darlene Basingan / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481