Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

ERC, tiniyak na hindi na magkakaroon ng sobrang taas na singil sa kuryente

$
0
0

FILE PHOTO: Meralco bill (Jeff Alcantara / UNTV News)

MANILA, Philippines — Walang dapat ipangamba ang publiko sa magiging bayarin sa kuryente.

Siniguro ng Energy Regulatory Commission na hindi na magkaroon ng sobrang taas na halaga ng kuryente dahil sa generation charge at iba pang expenses.

Ipinaliwanag ng ERC na kung noon ay malayang nakapagtatakda ng presyo ang mga power generator sa merkado.

Ngayon ay protektado ng tinatawag na secondary cap ang presyuhan ng ibinebentang kuryente sa wholesale electricity spot market o WESM.

Bunsod nito ng pagtatakda ng ERC ng limit o cap sa ibebentang kuryente sa WESM.

Pahayag ni ERC Executive Director Atty. Francis Juan, “Kapag ang average prices sa merkado ay unti-unting tumataas hanggang sa malampasan na niya yung tinukoy naming na 9 pesos na threshold per kilowatt hour yung mag-sisipag offer sa merkado hindi na makakapag-offer na lampas dito.”

Pinaigting rin ng ERC, ang ginagawa nitong pagbabantay sa mga power generator upang maiwasan na ma-manipula ang presyo sa merkado.

Noong November at December 2013, nagkaroon ng sobrang taas na singil ang Meralco na kaagad namang inisyuhan ng TRO ng Korte Suprema at pinaimbistigahan.

Kapag napatunayang nagkaroon ng collusion o sabwatan ay mapapatawan ng parusa ang mga lumabag.

Dagdag pa ni Atty. Juan, “Ito ngayon ang tinutukoy ng aming investigatory unit kung meron nga nito ng sa ganon ay umusad naman ang proceeding upang mapanagot ang may kasalanan.”

Nitong Miyerkules lamang ay inanunsyo ng Meralco ang dagdag singil sa kuryente ngayong buwan ng Abril at pinangangambahang masusundan pa ang dagdag singil sa mga susunod na buwan. (MON JOCSON / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481