Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Lalaking naaksidente sa motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team isang motorista na naaksidente nitong Lunes ang gabi. (UNTV News)

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team isang motorista na naaksidente nitong Lunes ang gabi. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang isang motorcycle rider na naaksidente sa Barangay Pinagkaisahan sa Quezon City bandang 11:30 nitong gabi ng Lunes.

Nadatnan ng grupo si Robinson Oyson, 29-anyos habang nakaupo sa kalsada at iniinda ang tinamong pinsala dahil sa pagkadulas ng kanyang minamanehong motorsiklo.

Sa initial assessment ng rescue team, nagtamo ang lalaki ng posibleng bali sa kanang balikat. Masakit rin ang binti nito at hindi makalakad ng maayos kaya inalalayan siya ng grupo mobile at binigyan ng first aid.

Ayon sa isang nakakita sa pangyayari, mabilis ang takbo ng motorsiklo at habang papaliko sa kalsada ay nadulas ito at natumba.

Pahayag ng testigong si Liza Paredes, “Lumiko siya dito, mabilis ang pagtakbo niya ng motor di namin alam tumumba siya dito eh, hindi na makatayo.”

Napag-alaman na may tumagas na langis sa lugar na nagmula naman sa isang kinukumpuning jeep sa gilid ng kalsada.

Pagkatapos mabigyan ng pang-unang lunas ay agad nang isinugod sa Capitol Medical Center ang biktima para mabigyan ng atensyong medical. (REYNANTE PONTE / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481