Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pangambang brownout sa Luzon malabo nang mangyari — DOE

$
0
0

FILE PHOTO: Department of Energy (DOE) Sec. Jericho Petilla (UNTV News)

MANILA, Philippines — Matapos ang halos isang buwan na Malampaya maintenance shutdown, siniguro ng Department of Energy na wala nang mararanasang brown out sa Luzon ngayong Mayo, sa kabila nang inaasahang mas mataas na demand ng kuryente dahil sa mainit na panahon.

Ayon kay Secretary Jerico Petilla nasa 800 megawatts ng kuryente ang natipid sa loob ng isang buwang shutdown ng Malampaya.

Ngunit ayon sa DOE, inaasahang tataas sa 9,100 megawatts ang demand ng kuryente ngayong Mayo.

Ibig sabihin tataas ng mahigit sa isang libong megawatts ang kakailanganing kuryente sa susunod na buwan dahil sa mainit na panahon.

Sa pagtaya ng DOE, sapat ang supply ng kuryente para sa susunod na buwan kaya’t tiniyak nito na wala ng brown out sa Luzon maliban na lamang kung may masirang mga planta.

DOE Secretary Jericho Petilla, “Based sa projection namin wala, ang magpapa-brownout na lang dito ay basically kung mayroong platang sabay sabay na babagsak.”

Paliwanag ni Petilla, ang matinding init ng panahon ay maaring magdulot ng pagkasira ng mga planta na nagsu-supply ng kuryente.

“Kasi dyan nagbabagsakan ang planta kapag mainit na because the breakdown of the plants is actually correlated with the temperature.”

Dahil sa mas mataas na demand, inaasahang possibleng tumaas rin ang singil sa kuryente sa Mayo.

Una nang ipinahayag ni Sec. Petilla na sa kabila na tapos na ang Malampaya maintenance shutdown ngayong Abril, magiging kritikal ang buwan ng Hunyo at Hulyo dahil muling magkakaroon ng maintenance shutdown.

Sa kabila ng wala nang inaasahang brown out sa susunod na buwan patuloy ang paalala ng DOE na palaging magtipid sa pagkonsumo ng kuryente at tuloy makatipid rin sa malaking gastos sa elektrisidad. (JOAN NANO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481