Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mary Jane Veloso, inilipat na sa prison island sa Indonesia

$
0
0

Ang kapatid ni Mary Jane Veloso na si Christopher Veloso na nanawagan sa harap ng Indonesian Embassy sa Makati City upang mapatigil ang nakatakdang pagpataw ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad anumang oras ngayon. (Photoville International)

JAVA, Indonesia — Inilipat na ng Indonesian authorities sa Nusa Kambangan prison island sa Cilacap, Central Java si Mary Jane Veloso, ang Overseas Filipino Worker na nasa death row sa Indonesia.

Mahigpit ang seguridad sa paglipat kay Veloso sa Maximum Security Prison Island.

Dakong ala-una ng madaling araw nitong Biyernes nang ilipat si Mary Jane mula sa Wirogunan Penitentiary sa Yogyakarta at dumating ang police convoy sa Calicap dakong alas singko ng madaling araw.

Ang paglipat ay ginawa matapos ipinag-utos ng Indonesian government sa mga awtoridad na maghanda na para sa execution ng 10 drug convict na karamihan ay banyaga.

Ngayong araw ay inimbitahan na ng Indonesian government ang mga opisyal ng mga foreign embassy ng mga nationality na kabilang sa death row upang magtungo sa maximum security prison kung saan isasagawa ang execution.

Sa kabila nito, wala pang opisyal na pahayag ang Indonesia kung kailan magsisimula ang 72-hour public notice of execution.

Kabilang si Veloso sa sampung convicts na nahatulang mamatay sa pamamagitan ng firing squad sa prison island ng Nusa Kambangan, West Java.

Ang iba pang foreign convicts na nasa death row ay mula sa France, Brazil, Australia, Ghana, Nigeria at Indonesia.

Samantala, dumating na nitong gabi ng Huwebes sa Yogyakarta airport ang ina at dalawang anak ni Mary Jane.

Umaasa pa rin ang pamilya nito na mapagkakalooban ng last-minute clemency si Mary Jane.

Pahayag ni Ginang Celia Veloso, “God will make a miracle. It hurts when we heard that she had been transferred, but even then we still hope for a miracle.”

Sinabi naman ng abogado ni Mary Jane na si Minerva Lopez, hindi pa rin sila nakatatanggap ng abiso kung kalian ang mismong araw at oras ng pag firing squad kay Mary Jane.

“We have not received any notification except the letter but it’s in Bahasa (Indonesia), it was roughly translated to us. It is a letter that was referred by the spokesman of attorney general that informing (us) that the authority preparing for the transfer.”

Sa kasalukuyan ay naghihintay pa rin ang mga kaanak ni veloso kung kailan sila dadalhin sa Nusa Kambangan Prison Island upang makita ito sa huling pagkakataon. (Marje Navarro / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481