Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Umano’y pagpapaputok ng China sa aircraft sa AFP sa West Philippine Sea, itinanggi

$
0
0

AFP Public Affairs chief Lt. Col. Harold Cabunoc (UNTV News)

FILE PHOTO: AFP Public Affairs chief Lt. Col. Harold Cabunoc (UNTV News)


QUEZON CITY, Philippines — “Wala pong katotohanan yung mga lumabas na rumors na pinaputukan yung ating aircraft na nagsagawa ng maritime sovereignty patrol.”

Ito ang pahayag ni Lt.Col. Harold Cabunoc ang chief ng Public Affairs Office ng Armed Forces of the Philippines kaugnay ng umano’y pagpapaputok ng Chinese warship sa isang Philippine Air Force aircraft habang tinatahak nito ang Pagasa Island route na bahagi ng West Philippine Sea kamakailan.

Napag-alamang nagmula ang naturang balita kay dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III matapos nitong i-post sa kanyang Facebook account ang umano’y ginawang pag-atake ng China sa PAF aircraft noong Linggo.

Nilinaw ni Cabunoc na pawang mga flashing light lamang ang ginamit ng Chinese frigate sa PAF Aircraft kaya’t walang katotohan ang sinasabing pinaputukan ang eroplano na nagsasagawa ng sovereignty patrol.

Paliwanag ng AFP, ang naturang flashing light ay ginagamit upang i-challenge o bigyang babala ang alinmang sea vessel o aircraft na hindi pamilyar na lumilipad sa vicinity ng West Philippine Sea.

Aminado si Cabunoc na bagaman hindi totoo ang balitang pag-atake ng China, nakababahala pa rin ang paggamit nito ng flashing light sa PAF aircraft.

“Nababahala tayo bakit tayo i-cha-challenge sa sarili nating territory, ito ay isang aggressive action dun sa part ng Chinese vessel.”

Sakaling magpatuloy ang aggressive movement na ipinakikita ng China sa pinag-aagawang teritoryo, nangangamba ang AFP dahil posible rin itong makaapekto sa freedom of navigation ng military sa lugar.

Dagdag pa ni Cabunoc, “Magkakaproblema tayo lalo na ang AFP kasi yung mga troops natin na naka-station sa mga isla ay mahirap tayong ire-supply kung haharangin ng mga Chinese vessel.”

Nanindigan ang AFP na alinsunod sa nilagdaang Declaration of Conduct ng ASEAN at China, hindi gaganti ang pwersa ng military ng anumang aggressive action laban sa China kaugnay pa rin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. (JOAN NANO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481