Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

BOC nagsampa ng reklamong smuggling laban sa importer ng asukal at bigas

$
0
0

MANILA, Philippines — Tatlong smuggling complaints na ang kinakaharap sa ngayon ng isang importer sa Cagayan de Oro City dahil sa umano’y ilegal na importasyon ng asukal at bigas.

Sinampahan ng panibagong reklamong paglabag sa tariff and customs code ng Bureau of Customs si Michael Abella, may-ari ng New Dawn Enterprises ng Purok 10, Baloy Highway, Tablon, Cagayan de Oro City.

Nag-ugat ang pinakabagong reklamo laban sa importer sa umano’y tangka nitong magpuslit ng 260-thousand kilos ng asukal galing Thailand na tinatayang nagkakahalaga ng 13-million pesos.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Alberto Lina, walang permit at misdeclared bilang mga kagamitan sa kusina at mga tiles ang kargamento ni Abella na dumating sa Cagayan de Oro City nitong nakaraang Disyembre.

“Ang aming ipa-file ngayon ay tungkol sa misdeclaration ng kargamento na ang isinasaad ay kitchenware. Pero ng tiningnan ay refined sugar. Yun ay nakapaloob sa 10×20 container.”

Unang sinampahan ng smuggling complaint si Abella nitong nakaraang Enero dahil sa ilegal na importasyon ng glutinous rice na nagkakahalaga ng 28- million pesos.

Nitong nakaraang Marso, muling sinampahan ng reklamo ang importer dahil sa ilegal na importasyon ng bigas na nagkakahalaga ng 16-million pesos.

Kasalukuyang nakabinbin sa Department Of Justice ang naturang mga reklamo.

Samantala, nag expire na ang accreditation ng nasabing importer nitong nakaraang Marso at ayon sa customs mahihirapan na ito na muling magpa accredit sa kanila. (RODERICK MENDOZA/UNTV NEWS)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481