Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNoy, kinumpirmang dadalo sa MINBIZCON sa Davao City ngayong Huwebes

$
0
0
FILE: Si Pangulong Benigno Aquino III sa pagdalo ng Common Carriers Tax Act noong Huwebes, Marso 07 sa MICE Conference o Meetings, Incentive travels, Conference, Exhibitions / Events Conference sa Davao City. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

FILE PHOTO: Si Pangulong Benigno Aquino III sa pagdalo ng Common Carriers Tax Act noong Marso 07 sa MICE Conference o Meetings, Incentive travels, Conference, Exhibitions / Events Conference sa Davao City. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

DAVAO CITY, Philippines — Sa kabila ng magkasunod na pagpapasabog sa Cagayan De Oro City at Cotabato City, tuloy pa rin ang tatlong araw na Mindanao Business Conference (MINBIZCON) na gaganapin sa SMX Convention Center sa Davao City bukas, Huwebes.

Sa katunayan, mismong si Pangulong Aquino ang magsisilbing guest speaker sa pagsisimula ng pagpupulong.

Kaalinsabay nito ay nakaalerto na ngayon ang Davao City Police upang matiyak ang seguridad ng Pangulo at ng mga negosyanteng dadalo sa naturang pagpupulong.

Nauna nang nanawagan ng kooperasyon mula sa publiko ang Davao City Police Office kaugnay sa ipinatutupad nilang mahigpit na seguridad.

Samantala, pinaghahandaan rin ng lungsod ang nalalapit na pagdiriwang ng Kadayawan Festival sa susunod na linggo kung saan libu-libong turista ang inaasahang makikilahok. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481