QUEZON CITY, Philippines — Isinumite na ng House Committee on Public Information ang committee report sa consolidated version ng Freedom of Information Bill.
Nananawagan ang mga may-akda ng FOI sa liderato ng Kamara na sana ay i-schedule na ang sponsorship at second reading sa susunod na buwan.
Handa na ang mga ito na i-defend ang FOI oras na masimulan na ang debate ukol dito.
Ayon kay Cebu Representative Raul del Mar isa sa mga pinakaunang author ng FOI noong 8th Congress, tatlong dekada nang nakahain ang panukalang batas sa Lower House subalit hindi parin ito naipapasa.
Taong 2010 sa ilalim ng 14th Congress pumasa na sa bicam ang FOI subalit hindi ito naratipikahan sa Kamara dahil sa kawalan ng quorum.
Pahayag ni Cebu Rep. Raul del Mar, “Now this is a 16th Congress, we are hopeful that something will happen and finally since the Senate version has been approve already we will ask earlier here whether we can have this approve in 3rd reading by sine die.” (GRACE CASIN / UNTV News)