MANILA, Philippines — Naniniwala ang kampo ni Vice President Jejomar Binay na hindi magtatagumpay ang demolition job ng ilang senador laban sa bise presidente.
Ayon kay Atty JV Bautista ng United Nationalist Alliance at kaalyado ni Binay, wala nang pinatutunguhan ang ginagawang pagdinig ng Senate subcommittee.
“There is no longer any direction, any focus, to the meeting with the sole exception of raking up everything that they can find which they can utilize against Vice Preesident Binay,” ani UNA Spokesperson Atty. JV Bautista.
Aniya, hindi na sila nagugulat sa mga ginagawang hakbang ng mga political opponents ng bise presidente dahil umpisa na ng political season.
Kwinestyon din ng kampo ni Binay ang tagal ng naturang hearing na ginagawa ng Senate subcommittee.
Sinabi naman sa pagdinig ni Senador Cayetano na kaya sila natatagalan ay dahil hindi humaharap ang mga Binay at ibang iniimbitahan nila sa pagdinig.
Samantala, kinumpirma rin ng Senador ang pagrerekomenda ng pagsasampa ng kasong plunder kay VP Binay at iba batay sa partial report.
Pahayag ni Sen. Cayetano, “Because the facts are very clear and it points to the conclusion.”
Sa ngayon ay pinapaikot na ang report sa mga senador upang pirmahan. (BRYAN DE PAZ / UNTV News)