Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sen. Grace Poe, iginiit na kwalipikado siyang tumakbo sa kahit anong mataas na posisyon sa pamahalaan

$
0
0

Senator Grace Poe (UNTV  News)

MANILA, Philippines — Sinagot ni Senador Grace ang mga pahayag ni Rep. Toby Tiangco ng UNA na hindi siya qualified na tumakbo bilang presidente o vice president dahil sa wala pang 10 taong naninirahan sa bansa.

“Nilagay ko po yun sapagkat noong 2006 lang nabenta yung bahay namin sa America — April 2006 — which can be proven. So, sabi ko at that time, nako, baka iyun yung ibig nilang sabihin. Ako po ay hindi abogado, pero ako po ay tapat at truthful, at kung bibilangin ang mga panahon na andito ako sa Pilipinas, lagpas pa po sa requirement,” ani Sen. Poe.

May mga dokumento umano siya na magpapatunay na 2005 pa lamang ay naninirahan na siya sa Pilipinas, tulad ng transcript of records ng kanyang mga anak at dokumento ng kanilang bahay.

Sinabi naman ng kampo ni Binay, hindi daw nais ng bise presidente at maging ng UNA na isiwalat ang residency issue kay Poe.

Gayunpaman, nasilip ni Rep. Tiangco na importante itong malaman ng publiko.

Pahayag ni UNA Sec. General Atty. JV Bautista, “Let me assure you, meron hong position si Vice President dyan, kasi alam na din nya ho yan eh, (sabi ni VP Binay na) huwag ilabas yan… But this is a matter of public interests and concern. You and I and every Flipino should know. The good senator owes it to the public na sabihin mo na ngayon.”

Sa isang pahayag sinabi naman ni Senator Nancy Binay na wala silang permisong ibinigay kay Tiangco upang talakayin ang eligibility ni Senator Poe upang kumandidato sa pagka-bise presidente at presidente ng bansa.

Ani Sen. Nancy Binay, “Actually nagulat na nga lang din ako na naglabas siya (Rep. Toby Tiangco) ng ganun eh, ng ganung statement.”

Hindi naman nananiniwala si Grace Poe na hindi alam ng bise presidente ang ukol sa pagpapalabas ng naturang issue.

“Mabuti na rin po para sa ating mga kababayan na alam nilang walang tinatago. Salamat na rin sa inyo, dahil ngayon may pagkakataon ako at dahilan para ieksplika ito,” anang senadora.

Ayon naman sa COMELEC, hindi pa nila masasagot ang mga katungan kaugnay ng qualification ni Poe na tumakbo bilang president dahil hindi pa naman ito nagdedeklara. (DARLENE BASINGAN / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481