Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagdedesisyon sa hiling na house arrest ni CGMA, ipinagpaliban ng Sandiganbayan

$
0
0

FILE PHOTO: Former President Gloria Macapagal-Arroyo (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Isang buwan pa bago maglabas ng desisyon ang Sandiganbayan 1st Division kung papayagang maisailalim sa house arrest si dating presidente at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ay sa dahilang binigyan pa ng korte ng labinlimang araw ang mga abogado ni Arroyo upang magsumite ng karagdagang papeles at ebidensya nang sa gayo’y mapag-aralan ng Sandiganbayan ang kanilang mosyon.

Humihingi ang korte ng latest medical bulletin ni Arroyo dahil June 23, 2014 pa ang nakalakip na medical certificate ni Arroyo sa kanilang mosyon.

Pinagsusumite rin ang mga ito ng litrato ng bahay ni Cong. Arroyo sa La Vista Subdivision sa Quezon City at rest house sa Lubao, Pampanga, vicinity map at certification mula sa home owners association na pumapayag silang magkaroon ng mga pulis sa kanyang residential area.

Sa naging oral arguments kanina sa korte, mariin pa ring tinutulan ng prosekusyon ang hiling ni Arroyo dahil hindi naman anila ito maitutulad sa house arrest ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Paliwanag ng prosekusyon, mag-isa lamang na nakatira si Estrada sa kanyang rest house sa Tanay, Rizal, di katulad ng bahay ni Arroyo sa la vista na doon nakatira ang kanyang asawa na si Mike Arroyo.

Pahayag ng lawyer ni CGMA na si Atty. Laurence Arroyo, “Iyong issue dito ay naka-aresto ba si President Arroyo, whether kasama niya si FG sa bahay o hindi, the fact is she remains under house arrest. Does it increase the probability that she will flee? We don’t think so.”

Dagdag pa ng prosekusyon, dahil katabi lang ng rest house ni Estrada ang Camp Capinpin, pumayag itong gawing extension ng military camp ang rest house para mas mabantayan pa ng mga pulis.

Ang kaso naman ni Arroyo, 200 meters pa ang layo ng police station sa kanyang bahay.

Paliwanag naman ng kanyang kampo, handa silang sumunod sa magiging kundisyon ng korte.

“The only requirement is that our law enforcers have control over the premises, and that’s understandable since we want to control the movement of President Arroyo,” anang abogado ng dating pangulo.

Humihiling si Rep. Arroyo na ma-house arrest sa loob ng anim na buwan dahil hindi bumubuti ang kanyang kundisyon kahit naka confine sa Veterans Memorial Medical Center (VMCC).

Hindi rin umano nagiging mabilis ang kanyang recovery sa tatlong spine surgeries na isinagawa sa kanya.

Ayon sa mga abogado ni Pampanga Rep. Arroyo, kung sakali mang bumuti ang kundisyon ng dating presidente sa house arrest, hindi pa rin sila papayag na mailipat ito sa regular jail facility katulad ng BJMP. Anila, dahil matanda na si Arroyo, maaaring hilingin nila sa korte na manatili na lang ito sa bahay o maibalik sa ospital. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481