Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Resigned PNP Chief P/Dir.Gen. Alan Purisima, makababalik na sa serbisyo

$
0
0

FILE PHOTO: Si PNP Chief P/DDG Alan Purisima sa PNP Change of Command ceremony sa Camp Crame noong December 18, 2015. (JAY MORALES / Malacañang Photo Bureau)

QUEZON CITY, Philippines — Ngayong araw ng Huwebes nagtapos ang anim na buwang suspensyon na ipinataw ng Ombudsman kay resigned PNP Chief Gen. Alan Purisima bunsod ng kasong graft na isinampa laban sa kanya nang pasukin nito ang kontrata sa Werfast Courier Service na siyang nagde-deliver ng mga lisensya ng baril.

December 4 nang nakaraang taon ng masuspende si Purisima subalit December 9 na nito natanggap ang suspension order.

At kung noon ay sa malaking kuwarto ng chief PNP nag-oopisina si P/Dir. Gen. Purisima at nakatira sa bagong gawang “White House” ngayon ay isang maliit na opisina ang naghihintay sa kanya sa pagbabalik serbisyo sa June 10.

Ayon kay PNP OIC P/DDG Leonardo Espina, mananatili muna sa Police Holding & Accounting Unit o PHAU si Purisima habang hindi pa ito nabibigyan ng bagong posisyon ng Napolcom sa rekomendasyon naman ng senior officials promotion and replacement board.

“Yun pong white house at tsaka yung office ng chief PNP is positional, the one occupying that is the chief PNP.”

Nilinaw naman ni Espina na nag-resign lamang si Purisima bilang PNP Chief at hindi bilang pulis kung kaya’t makababalik pa ito sa serbisyo.

P/DDG Leonardo Espina, “May ranggo pero walang posisyon, naghihintay. Wala siyang power habang naghihintay siya ng kanyang official designation.”

Sinubukan ng UNTV News na kunan ng pahayag ang abugado ni Purisima ngunit hindi nito sinasagot ang tawag.

At dahil tapos na ang suspension ni resigned PNP Chief P/Dir.Gen. Alan Purisima, makatatanggap na muli ito ng sweldo na umaabot sa P107,000 kada buwan, (LEA YLAGAN / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481