MANILA, Philippines — Pinabulaan ni Sec. Leila de Lima ang akusasyon ni Vice President Jejomar Binay na ‘selective justice’ o pinipili lamang ng administrasyong Aquino ang mga kakasuhan nito.
“He should first put his own affairs in order, especially the corruption cases against him and members of his family, before he even starts talking of so called selective justice,” pahayag ni Sec. De Lima.
Sinabi ni De Lima sa halip na batikusin ang administrasyon ay dapat umanong harapin na lamang ng bise presidente ang mga kasong katiwalian laban sa kanya at sa mga miyembro ng kaniyang pamilya.
“There is no selective justice. Just because high officials and big fish like him are feeling the long arm of the law does not mean there is selective justice.”
Ayon sa kalihim, hindi dahil kinasuhan at iniimbestigahan ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan gaya ni Binay ay maituturing na itong selective justice. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)