MANILA, Philippines — Hindi nababahala ang Malacañang sa posibleng epekto ng debt crisis sa Greece sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr., batay sa assessment ng Department of Finance matatag ang macroeconomic fundamentals ng bansa.
Kaya naman makakaya ng Pilipinas na paglabanan ang anumang posibleng epekto ng Grexit o possible exit ng Greece sa European Union.
Pahayag ni Sec. Coloma, “According to Finance Secretary Cesar Purisima: “The Philippines is in a much stronger position now to face the volatility that may result from Grexit. Our reserves are at historic highs; our external debt are long-dated and now down to 15 percent of GDP. Our current account has been in a surplus for 13 straight years. Our banks are better capitalized and the economy is more diversified than ever.” (NEL MARIBOJOC / UNTV News)