Binuksan na ng COMELEC ang satellite voters registration at validation booths sa mga malalaking mall sa bansa.
Ayon sa Komisyon, nitong weekend sinimulan ang operasyon ng booths sa Robinsons, Ayala malls at SM malls na handang magbigay ng serbisyo sa mga botanteng gustong magpa-rehistro o magpa-validate ng kanilang biometrics.
Muli ring hinikayat ng COMELEC ang publiko na magpa-rehistro at magpa-biometrics para makaboto sa 2016 elections, alinsunod sa kanilang No Bio, No Boto Policy.
Alamin ang susunod pang schedule ng #MallRehistro #NoBioNoBoto campaign ng COMELEC. (UNTV News)