Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pres. Aquino, inatasan ang DOH na higpitan ang surveillance at quarantine measures kaugnay ng kaso ng MERS-CoV

$
0
0

FILE PHOTO: Pres. Benigno Aquino III and DOH Sec. Janet Garin (Malacañang Photo Bureau / UNTV News)

MANILA, Philippines — Tiwala ang Malakanyang na may kapasidad ang Department of Health na ma-detect at magamot ang anumang kaso ng MERS-CoV sa bansa.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., handa ang ahensya para sa anumang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.

Ito ang pahayag ng Malakanyang, matapos maiulat ng health department na may isang dayuhan na nasa bansa na nagpositibo sa MERS-CoV.

Sinabi ng kalihim na inatasan na rin ni Pangulong Aquino ang DOH na lalong higpitan ang surveillance at quarantine measures at matiyak na naiuulat agad ng mga ospital sa kinauukulan ang mga pasyenteng nagpapakita na mga sintomas ng MERS-CoV para sa agarang aksyon. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481