Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

20th Migrant Workers’ Day, ipinagdiwang; Kuya Daniel Razon, nagkaloob ng libreng plane ticket

$
0
0

IMAGE_JUL132015_UNTV-News_MIGRANTS-WORKERS-DAY

UNITED ARAB EMIRATES — Masayang pinagdiwang dito sa Dubai ang 20th Migrant Worker’s Day sa pangunguna ni Ambassador Grace Princesa, kasama ang konsulado, POLO-OWWA at iba’t-ibang Filipino organizations noong nakaraang June 5.

Pahayag ni Labor Attache Atty. Delmer Cruz, “Ngayon yung araw na naipasa yung Republic Act 8042… 20 years after ng Flor Contemplacion…”

“So we are remembering yung protection na ginawa natin with the passing of that law, ni-recognize natin ang kahalagahan ng migranteng Pinoy sa ating bayan. So that’s why we are honoring the people na tumutulong ngayon dito sa atin upang maitaas pa ang antas ng kaalaman lalo na dito sa Bahay Kalinga, Migrant Filipino Resource Center,” salaysay naman ni Ambassador Grace Princesa ng Philippine Embassy – UAE.

Kasabay ng pagdiriwang ang pagbibigay ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon ng air ticket sa isang distress OFW na nasa pangangalaga ng POLO-OWWA.

Ito ay bahagi pa rin ng libreng sakay sa eroplano na pinasimulan ni Kuya Daniel at isinasagawa hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa iba’t-ibang bansa.

Pasasalamat ng OFW na si Melodiane Canave, “Thank you so much, Kuya Daniel, sa inyong programang Libreng Sakay, sana magpatuloy po ang ganitong programa. I know na iyon pong advocacy niyo is napakaganda, at ang mga natulungan niyo po before at ang matutulungan niyo pa in the future tunay po na magpapasalamat sa Panginoong Dios through the efforts po ng UNTV. Thank you so much po.”

Nagpasalamat naman ang Konsulado, POLO-OWWA at ang Embahada ng Pilipinas sa UNTV dahil sa patuloy na pakikiisa nito upang matulungan ang ating mga distress na kababayan na makauwi sa Pilipinas.

Ani Atty. Delmer Cruz, “Pinasasalamatan namin ang UNTV sa pagbibigay ng libreng plane ticket para sa mga wards namin na nangangailangan ng ticket para makauwi na sila sa Pilipinas. Maraming salamat po!”

Sabi naman ni Acting Consul Giovanni Palec, “Unang una, nagpapasalamat ako sa UNTV sa kanilang mga layunin dito sa pagtulong sa ating mga kababayan sa Dubai at sa UAE na nangangailangan ng tulong at yun kanilang mga proyekto sana’y magpatuloy lang at lalo pang maparami at mas maraming matulunangan na mga kababayan natin.”

Bulalas naman ni Ambassador Grace Princesa, “Marami pong salamat as usual sa management, officers ng UNTV at magbibigay po kayo ng isang ticket para makauwi ang ating kababayan. Nakabisita na po ako dyan sa inyong studio, na-interview na po ako ni Ka Daniel. At sana po ay maipagpatuloy ninyo itong maganda ninyong pagtulong. Salamat muli and God bless you!”

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t-ibang ahensya ng bansa, mga pribadong sektor at iba’t ibang organisayon, mapapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawang Pinoy hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t-ibang panig ng mundo. (ANNA MARAVILLA / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481