Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagpili ng magiging standard bearer ng administrasyon sa 2016 elections, di pa rin naisasapinal ni PNoy

$
0
0

FILE PHOTO: Pres. Benigno Aquino III, Sen. Grace Poe, Sen. Chiz Escudero at DILG Sec. Mar Roxas (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pres. Benigno Aquino III na maganda ang resulta ng pakikipagpulong niya kina Senators Grace Poe, Chiz Escudero at Department of the Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa Bahay Pangarap.

Ayon sa Pangulo, sumasangayon ang tatlo na nararapat na ipagpatuloy ang mga repormang nasimulan ng administrasyong Aquino.

Partikular na dito ang pagpapabilis at pagpapalawak pa ng serbisyo sa taumbayan.

Ani Pres. Benigno Aquino III, “Well, mahaba ‘yung usapan namin kagabi. Lumagpas ng midnight at kaya kung medyo mapupungay ang mata namin. Siguro, sa akin ano, magandang senyales iyon, magandang pangyayari. Ang mga lumabas sa aming usapan: number one, lahat ‘nung parties na nandoon kagabi, lahat ‘nung mga taong kasama natin sa pagpupulong, sumasang-ayon na malaki ang naging pagbabago sa ating lipunan, sa ating bansa sa loob ng limang taon.”

Sinabi rin ng pangulong na kung siya ang tatanungin ay kagabi pa lamang ay may pinal na siyang desisyon kung sino ang magiging standard bearer ng administrasyon, ngunit may mga bagay pa siyang kailangang isaalang-alang.

Sabi ni Pangulong Aquino, “Palagay ko the best that I can say at this point, in this minute, is: I am closer to that point… Kung ako lang ang masusunod sana kahapon eh.”

Dagdag ng pangulo, tuluy-tuloy ang kaniyang ginagawang pakikipag-usap sa mga personalidad na maaaring makapagtuloy sa kaniyang mga nasimulang reporma.

“Yung tuluy-tuloy ang mga meeting. Today, I’m talking with the LP party hierarchy, amongst others. I’ve talked to other. I’ve talked to, I keep on talking to and I will continue to talk to various other groups and other personalities, not just for ‘yung the top positions but also the senatorial slate and at some point in time even the local slates,” ani Aquino.

Sa huli, sinabi ni Pangulong Aquino na pipilitin niyang matupad ang kaniyang pangako na pagkatapos ng kaniyang huling State of the Nation Address ay maiaanunsyo na niya ang kaniyang i-e-endorsong presidential candidate sa 2016 national elections. (Nel Maribojoc / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481