Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagtestigo ni ex-Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado Jr. vs Elenita Binay, di pinagbigyan ng Sandiganbayan

$
0
0

 

FILE PHOTO: Former Makati Mayor Elenita Binay and former Vice Mayor Ernesto Mercado Jr. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan 5th Division na gawing testigo ng prosekusyon si dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado laban kay dating Mayor Elenita Binay.

Ayon sa resolusyon ng korte, hindi naisama ng prosekusyon sa listahan ng kanilang testigo si Mercado noong pre-trial pa lamang ng kaso.

Nais ng prosekusyon na si Mercado ang magturo sa korte ng orihinal na kopya ng audit report na ginagamit na ebidensya vs Binay.

Ngunit paliwanag ng korte, hindi naman bahagi si Mercado ng audit team kayat hindi na kinakailangan ang kanyang testimonya.

Nahaharap sa kasong graft si Elenita Binay sa 5th division ng Sandiganbayan dahil sa umano’y pagbili ng overpriced office partitions at mga muwebles o furniture ng city hall taong 1999 at 2000 noong alkalde pa ito ng lungsod. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481