Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Aksidente sa QC at Guagua, nirespondehan ng UNTV News and Rescue

$
0
0

Ang driver na si Jonathan Davino habang pinagmamasdan ang naaksidente nitong truck habang inaasikaso ng mga kawani ng MMDA. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang nangyaring aksidente sa bahagi ng Katipunan Avenue sa Quezon City alas-dos ng madaling araw, Lunes.

Tumagilid ang isang closed van matapos bumangga sa poste ng ilaw sa center island.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News & Rescue Team ang gasgas sa kanang siko at bukol ng driver nito na si Jonathan Davino, 49-anyos.

Tumanggi na itong magpahatid sa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng traffic bureau sector 3, iniwasan ng closed van ang ilang sasakyang umano’y nagkakarera sa kalsada kaya ito nabangga sa poste ng ilaw.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga otoridad ang posibleng pananagutan ng driver sa aksidente

Samantala, sa bahagi naman ng Guagua, Pampanga ay isang lalaki rin ang tinulungan ng UNTV Rescue Team nitong Linggo ng gabi matapos itong malunod nang mahulog sa isang taguling o kanal malapit sa national road sa San Jose.

Kinilala ang biktima na si Felix Garcia capid, 30 years old.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, pasuray-suray ang lakad ng biktima nang huminto ito upang umihi sa gilid ng kanal. Maya-maya pa ay nahulog na ito.

Tiyempo namang padaan sa lugar ang UNTV News & Rescue Team (Bataan) kaya agad nasaklolohan ang lalaki.

Binigyan ng oxygen at cardio-pulmonary resuscitation o CPR ang lalaki bago dinala sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481