MANILA, Philippines — Humarap bilang testigo laban sa dating kinatawan ng Associate of the Philippine Electric Cooperatives (APEC) Partylist na si Rep. Edgar Valdez si Mary Arlene Joyce Baltazar, ang bookkeeper ng JLN Corporation.
Si Baltazar ang gumawa ng mga financial statement ng kumpanya na may kinalaman sa mga transaksyon ng JLN Corporation.
Naging maikli lang ang direct examination kay Baltazar at ipagpapatuloy pa sa susunod na linggo ang kanyang testimonya ukol sa naging partisipasyon ni Valdez sa pork barrel scam.
Si Valdez ay nahaharap sa kasong plunder at graft dahil sa umano’y paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF sa mga pekeng NGO ni Napoles. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)