Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Citizenship issue ni Sen. Grace Poe, dapat resolbahin sa Korte Suprema — ex-lawmaker

$
0
0

FILE PHOTO: Si Senator Grace Poe Llamanzares kasama ang Pangulong Aquino at ang Team PNOY sa isang campaign rally sa Cebu. (JAMES VERCIDE / Photoville International)

MANILA, Philippines — Kung ang isang dating mambabatas ang tatanungin, walang duda ang pagka-Pilipino ni Sen. Grace Poe dahil inampon siya ng mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces.

Ngunit ibang usapan na umano kung siya ba ay isang natural born Filipino citizen.

Sa ilalim ng Saligang Batas, kailangang ipanganak ng mga magulang na Pilipino upang maituring na isang natural-born Filipino citizen.

Isang foundling ang senadora, na nakuha ng mag-asawang Poe sa isang simbahan sa Iloilo noong 1968 at hanggang sa ngayon ay hindi pa tukoy kung sino ang tunay niyang magulang.

Walang sinasabi ang Saligang Batas kung natural-born Filipino citizen ba ang isang sanggol na natagpuan sa Pilipinas.

Kayat para kay dating Negros Oriental Congressman Jacinto Paras, dapat magkaroon ng desisyon sa usaping ito ang Korte Suprema.

“Tingin ko, it will be the Supreme Court that will really rule into the issues raised here kasi questions of law ito eh,” ani former Negros Oriental Rep. Paras.

Kinuwestyon ang pagkamamamayan ni Sen. Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal at hiniling na matanggal ito sa pwesto.

Giit ng petitioner na si Rizalito David, hindi natural born Filipino citizen ang senadora kayat hindi ito kwalipikado na maging senador o pangulo ng bansa.

Hiling niyang maresolba agad ang kanyang petisyon lalo’t dalawang buwan na lamang ang nalalabi bago maghain ng kandidatura ang mga nagnanais tumakbo sa national elections sa susunod na taon.

Ani David, “Napaka-importanteng bagay po nito dapat bigyan kaagad ng panahon dahil malapit na rin naman yung filing ng certificate of candidacy sa mga nagnanais tumakbo sa susunod na eleksyon sa 2016.”

Posibleng i-akyat din umano siya sa Korte Suprema ang usapin depende sa magiging desisyon dito ng SET.

“We reserved all the right na magtungo sa Korte Suprema para once and for all maresolba na ito at magkaroon na ng jurisprudence para kung mayroon mang mga similar cases na mangyayari in the future, mayroon na tayong pagbabasehan,” dagdag pa ng petitioner.

Una namang sinabi ni Poe na may hawak siyang mga dokumento na magpapatunay na siya ay ipinanganak na isang Pilipino. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)

The post Citizenship issue ni Sen. Grace Poe, dapat resolbahin sa Korte Suprema — ex-lawmaker appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481