Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Survivors ng Mamasapano operation, binigyan ng special promotion ng NAPOLCOM

$
0
0

Ang mga pinarangalang SAF survivors sa Mamasapano operations (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Binigyan ng special promotion ng National Police Commission ang 29 na miyembro ng Special Action Force na survivor ng Mamasapano operations.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Eduardo Escueta, inaprubahan na nila ang rekomendasyon ni retired PNP OIC P/DDG Leonardo Espina para sa meritorious promotion ng mga survivor.

“The courage displayed by these valiant police officers earned themselves not only the admiration of the members of the PNP but also of the people they had sworn to serve.”

Ito’y dahil sa pagpapakita nila ng pambihirang tapang sa paghuli sa international terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas “Marwan” noong January 25 sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Bagama’t natagalan ay nagpahayag naman ng kasiyahan sa pamamagitan ng text message si PO2 Adolfo Andrada na kabilang sa 84th SAC na nagsilbing assault team sa paghuli kay Marwan.

“Masaya po, at least, dumating na rin ang pinakahihintay namin, kaso nga lang natagalan mas nauna pa yung regular promotion po,” ani PO2 Andrada sa pamamagitan ng text. (LEA YLAGAN / UNTV News)

 

The post Survivors ng Mamasapano operation, binigyan ng special promotion ng NAPOLCOM appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481