Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga na-promote na PNP officers nanumpa kay Pres. Aquino

$
0
0

Ang panunumpa ng mga bagong promote na opisyales ng PNP kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang. Una na rito si PNP Chief Director General Ricardo Marquez na kasama ang kanyang pamilya. (Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Apatnapu’t siyam na star rank officials ng Philippine National Police ang nanumpa sa tungkulin nitong Miyerkules ng umaga sa Malacañang.

Kabilang dito ang bagong itinalagang hepe ng PNP na si Police Director General Ricardo Marquez.

Kasama ring nanumpa sina Police Deputy Director General Danilo Constantino, PNP-Special Action Force Police Director Moro Virgilio Lazo, spokesperson ng PNP na si Police Chief Superintendent Wilben Mayor at ang dating OIC ng SAF na si Police Chief Superintendent Noli Talino.

Kasama ring dumalo sa panunumpa ang mga pamilya ng mga promoted official ng PNP. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)

The post Mga na-promote na PNP officers nanumpa kay Pres. Aquino appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481