Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Awiting “Sa’Yo Lang Natagpuan,” 2nd Producer’s Pick winner ngayong Agosto sa ASOP Year 4

$
0
0

(Left-Right) Si Maki Ricafort at James Vincent Dizon para sa awiting “Sa’Yo Lang Natagpuan” na nanalo sa producers’ pick episode ng A Song of Praise Music Festival nitong Linggo, August 16, 2015. (Madz Milana / Photoville International)

MANILA, Philippines — Malaki ang nabago sa buhay ng baguhang kompositor na mula sa Tarlac na si James Vincent Dizon mula nang sumali at nanalo siya sa A Song of Praise o ASOP Music Festival ng UNTV.

Ang komposisyon ni James na “Sa’Yo Lang Natagpuan” ay muling sumalang sa ikalawang producer’s pick episode sa buwan ng Agosto bago ang huling monthly finals sa susunod na Linggo.

Malaki rin ang naitulong sa kanya ng premyong napanalunan sa programa.

Salaysay ni James, “Nagbago po talaga ang buhay ko sa ASOP na ‘to. Unang-una relasyon ko sa pamilya. Pangalawa, makakapag-aral na po ako — yun po talaga ang pangarap ko sa buhay. Unang-una, pamilya. Pangalawa po ‘yun talagang pag-aaral.”

Sumang-ayon din ang kanyang interpreter na si Maki Ricafort na isa ring magaling na musiko sa mga tinuran ng mga hurado sa kanyang obra.

Ani Maki, “As a song writer din, totoo rin ‘yung sinabi ng mga judges na hindi mahirap sabayan ‘yung kanta, eh. Kumbaga unang rinig mo pa lang ng chorus, kaya mo nang sabayan, eh. ‘Yun naman ang importante sa pagsulat ng kanta ‘di ba? Plus ‘yung tagos dito (sa puso) eh.”

Na-enjoy din nang husto ng mga huradong sina singer-actor Monching Gutierrez, singer-actress Tina Paner at Doktor Musiko Mon del Rosario ang dalawa pang kasaling awit na “Karapat-dapat Kang Pasalamatan” ni Alejandro Jimenez sa interpretasyon ng MCA artist na si Toto Sorioso at “Ngayong Nandito Ka” ng OFW mula sa Australia na si Paul Escano na inawit naman ng female balladeer na si Arnee Hidalgo. (ADJES CARREON / UNTV News)

The post Awiting “Sa’Yo Lang Natagpuan,” 2nd Producer’s Pick winner ngayong Agosto sa ASOP Year 4 appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481