MANILA, Philippines — Kung ang Solicitor General na tumatayong abogado ng pamahalaan ang tatanungin, hindi na isyu sa ngayon kung may kapangyarihan nga ba ang National Historical Commission na pigilin ang pagtatayo ng Torre de Manila Condominium dahil sa katotohanan, naitayo na ng DMCI ang kontrobersyal na gusali.
Ayon sa Solicitor General ang isyu na dapat pagtuunan ng pansin sa ngayon ay kung paano maibabalik sa dati ang tanawin ng bantayog ni Rizal.
Pahayag ni Atty. Florin Hilbay, “Our argument is that it has already been impaired and so we are at the phase where we need to restore the Rizal monument to its original state.”
Para kay Hilbay, walang ibang solusyon dito kundi ipagiba ang Torre de Manila.
Ang tanong nga lang sa ngayon ay kung may kapangyarihan nga ba ang Korte Suprema na ipabiga ang kontrobersyal na gusali.
Dati nang sinabi ng abogado ng DMCI na walang batas na nagbibigay-pahintulot na ipagiba ang isang gusali dahil lamang nakasisira ito sa tanawin ng isang monumento.
“The practical question before the court is whether or not the court has the power to require the demolition of the Torre de Manila on the ground that it impairs the sightline of the Rizal monument.”
Naniniwala rin si Hilbay na hindi dapat magbayad ang pamahalaan ng kompensasyon sa DMCI sakaling katigan ng Supreme Court ang pagpapabiga sa Torre de Manila.
“That’s a question the court will have to resolve. But normally, declaration of unconstitutionality or illegality does not result in payment of just compensation.”
Itutuloy naman ng Korte Suprema ang oral arguments sa kaso sa susunod na Martes. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)
The post Pagpapagiba sa Torre de Manila, iginiit ng Solicitor General appeared first on UNTV News.