Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Boundary ng mga pampublikong sasakyan, planong i-regulate ng LTFRB

$
0
0

Bukod sa bus at tren, ang public utility vehicles na jeep at taxi ang pangunahing ginagamit ng publiko sa pagbiyahe araw-araw. Dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo, pinag-aaralan na ng LTFRB na i-regulate na rin ang boundary sa mga mode of transport na ito. FILE PHOTO: Lagay ng trapiko ng isang karaniwang umaga sa Balitawak area (ROVIC BALUNSAY / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines — Pinag-aaralan ng LTFRB na i-regulate ang boundary ng mga transport operator sa mga taxi at jeepney driver.

Sa programang Get It Straight with Daniel Razon, sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na pinagbabatayan nila dito ang patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Ginez dapat na makinabang rin ang mga driver sa mababang halaga ng mga produktong petrolyo.

Sa ngayon ay nasa ika-pitong linggo na ng rollback sa presyo ng diesel at ikawalong linggo naman sa gasolina.

Pahayag ng LTFRB chairman, “We are looking at that already if we can also make a regulation in so far as boundaries are concerned. Ako bilang isang abogado, naniniwala ako na it is within the sphere of jurisdiction ng LTFRB pati ang boundary because that goes with the regulation of the taxi industry.”

Ang isang taxi driver ay nag ba-boundary ng 1000 hanggang 1200 pesos habang ang jeepney driver naman ay 750 hanggang 850 pesos araw-araw.

Ayon sa mga driver, malaking tulong ito sa kanila kung sakaling maipatutupad.

Ngunit kung tutuusin, hindi naman ang boundary ang pangunahin nilang problema sa araw-araw dahil napakiki-usapan naman nila ang mga operator na bawasan ang ini-re-remit nilang kita sa pamamasada.

Ang talagang kalaban nila sa pamamasada ay ang matinding traffic.

Walumpung porsyento ng gastos sa pamamasada ng mga puv ay napupunta sa diesel o gasolina.

Para sa taxi driver na si Rudy Campillos, “Sa oras kami talo. Isang pasahero pa lang aabutin ng dalawang oras wala na.”

Kay Dante Jeraldo na isang jeepney driver, “Yung traffic; mababa nga ang krudo lintik naman ang traffic. Doon din napupunta yung gastos ng krudo, mababa ang presyo pero ang konsumo hindi nagbabago.”

Sa Martes ay magpupulong sa opisina ng LTFRB ang mga board member nito upang desisyunan na kung dapat na nga bang panatilihin ang mababang halaga ng pasahe sa jeep at taxi. (MON JOCSON / UNTV News)

The post Boundary ng mga pampublikong sasakyan, planong i-regulate ng LTFRB appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481